A succeding poem of the Trilogy of Love
Kailan kaya darating ang panahon na aking inaantay?
Nais ko sanang ito'y dumating ng matiwasay.
Sa pagdating nito sana ang puso ko ay handa,
sa kung ano mang dulot na aking ikabibigla.
Nakatingin ang isip sa lalim ng himpapawid,
Nakabaon ang pangarap sa siksik na panganib.
Takot ang puso sa hatid ng panahon,
subalit sabik na malaman kung saan tayo pagka laon.
Huwag akong mangako sa iyo ng walang hanggan,
dahil alam mo na di ako masusuklian.
Di ako pwede magmahal ng lubusan,
pagkat ako'y di nais, sarili mo'y di mo pa nalalaman.
Pag isipan at suriin mo sana ng mabuti,
ang iyong isip at puso para ating ma wari.
Sa puso mo, alam ko, ako ang nilalaman
pero sana naman, kahit sa akin, ito'y iyong mapanindigan.
Nahihirapan ang aking puso at damdamin,
habang nagpapatuloy tayo'y, isip ko'y dapat na itong tapusin.
Bulong ng isipan dapat ka nang lisanin,
Panahon lamang ang may alam, at sa ati'y nakatingin.
Pinakaaantay na panahon ay baka biglang dumating,
handa ba ako sa hatid nitong kaligayahan o hiling
Ligaya na ako'y ibigin, tanggapin at mahalin,
o ihiling na tapusin ang kahibangan ng mga damdamin.